Tags

, ,

naalala ko noong una kita makita, feeling ko magiging malaki kang parte ng buhay ko. kaso may gf ka non time na un; at ako naman, ang panget ko lang. wala naman nagpakilala sa atin noon at malamang hindi mo ko natatandaan. pero aaminin ko na may kaunting kaunti akong pagnanasa sayo non (alam mo yan).9 years forward, eto na tayo. ano ba meron sa atin ngaun? wala naman; bukod sa close na tayo dahil mas maganda at mas sexy ako ngaun (hehehe), mas masaya ako at mas mahaba ang pang-unawa ko pagdating sa pag-ibig (naks) dahil sayo (naks ulit).

naiintindihan ko na hindi normal ang relationship natin (abnormal ka kasi).naiintindihan ko din na mas malabo pa sa sikat ng buwan na maging priority mo ko (dahil nga abnormal ka). pero… pero gusto ko ipaalam sayo na mahal na mahal kita, na oo, promise ikaw ang priority ko (gaga kasi ako) at hindi kita iiwan until you ask me to (tanga ko lang).

isa lang ang wish ko (wag na kaya? baka mag-back-out ka pa eh)…

 

“…Mahalin mo nalang ako

Ng sobra sobra

Para patas naman tayo

Diba?”

 

[Chorus]

Sasalubungin natin ang kinabukasan

Ng walang takot at walang pangamba

Tadhana’y merong Trip na makapangyarihan

Kung ayaw may dahilan

Kung gusto palaging merong paraan

 

Coda:

Hahalikan nalang natin ang kinabukasan

Ng buong loob at yayakapin pa

Tadhana’y medyo overrated kung minsan

Kung ayaw may dahilan

Kung gusto palaging merong paraan

 

Gumawa nalang tayo ng paraan

Gumawa nalang tayo ng… (baby)

Gumawa nalang tayo ng paraan”

Advertisements